Linggo, Enero 22, 2012

komposisyon

"Ikaw Pa Rin"

  Sa bawat relasyon, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng problema. May unos at trahedya na sa bawat isa'y susubukin ang tatag ng pagsasama.

  Dalawang taon nang magkasinyahan sina Jane at Joe, magkasama sila sa lungkot at ligaya maging sa pagbuo at pagtahak nila sa kanilang mga pangarap. Ngunit gaano man ka tatag ang kanilang pagsasama, maymga bagay pa rin na nais nilang isa-alang-alang upang maisakatuparan ng bawat isa ang inaasam na bituin ng kani-kanilang pangarap. Susubukan ni Joe ang kanyang kakayahan na maging isang ganap na doktor, kaya napag-desisyonan niyang pagtuunan muna ang kanyang pag-aaral. Sa kanilang paguusap walang naggawa si Jane kun'di ang pahirin ang luhang walang tigil sa pag-agos mula sa umiiyak niyang mga mata. Pagkalipas ng limang taon naging ganap na doktor si Joe at si Jane naman ay naging ganap na guro din. Sa paglalakad ni Jane habang pinapahiran ng polbo ang kanyang mukha, aksedente siyang nahagip ng isang motorsiklo. Naapektuhan ng husto ang kantyang kaliwang kamay na kinakailangang operahin upang hindi lumala ng husto. Habang inooperahan si Jane hindi niya namamalayan na ang doktor na nag-aalaga sa kanya ay ang lalaking minahal niya at patuloy pa rin niyang minamahal, sa katauhan ni Dr. Joe dela Cruz. Pagkatapos ng operasyon hindi pinabayaan ni Joe si Jane, hindi niya ito iniwan hanggang ito ay nagising. Sa pagmulat ni Jane isang amilyar na mukha ang kanyang nakita. at 'yun ay walang iba kun'di si Joe. Hindi na napigilan ni Joe ang kanyang sarili't niyakap ng mahigpit si Jane, nag iyakan ang dalawa at nabigkas ang mga katagang " ikaw pa rin sa isip at puso ang natatanging tinitibok at mainamahal.

  Pagkatapos ng isang buwang pagpapagaling ni Jane, napagpasyahan ni Joe na magtapat ng pang-walang hanggang pag-ibig kay Jane. Napakasal sila sa San Pedro Church at napahanga din ng dalawa ang pari na nagpakasal sa kanila, dahil sa wagas ng kanilang pagmamahalan. Ito ang nagpapamulat sa atin sa katotohanang ang pag-ibig ay may takdang panahon at pagkakataon basta't magtiwala at magpakatotoo lang, masasabi mo rin na "ikaw pa rin ang minamahal noon, ngyon at bukas."

Miyerkules, Disyembre 7, 2011

panghihikayat sa isang produkto.

"Joy Cologne"

Ito ang produkto ko na sa inyo ay magbibigay aliwalas at bangong walang kapanta'y. Gamit ito sa araw-araw at sa paggamit nito'y tunay na nakakaakit ang amoy na sa mga tao sa iyong paligid ay mapapasunod at maakit ng husto. Sa mga kabataan lalo sa mga kababaihan , ito'y angkop na pabangong dapat gamitin, para sa araw-araw ay may amoy na walang kapantay. Kasiyahan ay mapapasayo, kompyansa sa pakikipaghalobilo at walang kapantay na bango. Sa bango ay walang pagsisisi maging sa presyo ay sulit din, nagkakahalaga lang ng apat napong peso (40), kaya sa'n  ka pa sulit na mabango pa. Bili na dahil masisiguro ko sa inyo na ang "Joy Cologne" tunay na mabango, ligtas at higit sa lahat sulit sa presyo. 

 Karagdagang impormasyon

1. Ano ang pangalan ng iyong produkto?
 "Joy Cologne"
2. Bakit mo naisip na ito ang pangalan? 
 sa akin ito ay angkop at naayon sa produkto na aking pinagbigay alam sa lahat.
3. Ano ang kagandahan ng aking produkto na wala sa iba?
ang joy cologne ay may bangong walang kapantay,tama lang sa amoy at nakaka'akit sa madla.
4. Ano ang kahinaan ng iyong produkto?
 ito ay para lamang sa kababaihan, dahil ang amoy nito ay ankop sa mga kabataang babae.
5. Paano ninyo hihikayatin ang isang mamimili sa iyong produkto?
 sa aking kompyansa at tiwala sa aking produkto ako'y naniniwala na ito ay magugusatuhan ng mga mamimili, ligtas, angkop at sulit, yan ang joy cologne.

Miyerkules, Nobyembre 30, 2011

Bilang isang mamamahayag

1. Bakit mahalaga ang retorika sa pangaraw-araw na buhay ng isang tao?
Sagot: Para sa akin mahalaga ang retorika sa ating pangaraw-araw na buhay dahil ito ay nagiging susi sa maraming gawain sa bawat araw na ating ginagampanan bilang isang indibidwal. Sa pagising ko palang sa umaga ay nagagamit ko na  ang retorika, sa pagkat bilang isang retor ako'y naghahayag ng aking damdamin sa aking pamilya lalo na sa Poong Maykapal, sa aking pagdadasal na may gamit na wika na naayon sa bawat sitwasyon na aking kinakaharap sa araw-araw ng aking buhay. Tunay na mahalaga ang retorika, dahil ito rin ang gabay ng mahusay na pakikipagkomunikasyon sa kapwa maging sa madla.

2. Ano-ano ang kahalagahan ng retorika sa edukasyon, relihiyon at kursong kinuha?
Sagot: Sa edukasyon, ang retorika ay may malaking ambag sa kadahilanang ito ay nagbibigay kompyansa maging ito rin ang pangunahing ginagamit bilang isang magaaral,ang pagpapahayag sa madla at 'yan ang retorika. Sa relihiyon naman, ang retorika ay ang sentro ng pagiging kombinsido at tiyak na pagpapahayag partikular na sa salita ng Diyos. Ang retor, dito partikular na sa pari ay siyang binibigyang halaga ang pagpapalaganap at pagbabahagi ng mensahe ng Panginoon sa pamamagitan nag retorika.  Sa kursong kinuha ko, public adminstration, ito'y tunay na gumagamit ng retorika na siyang mahalaga talaga upang magampanan at maging ganap ang pampublikong serbisyo. Ito ay nagiging susi sa paghubog ng abilidad maging ang kompyansa sa mahusay na pagpapahayag lalong-lalo na sa harap ng maraming tagapakinig. Sa kabuoan ang retorika ay tunay na mahalaga hindi lang sa pagpapahayag maging sa pagganap sa araw-araw na gawain bilang isang estudyante,relihiyosa at nagseserbisyo sa publiko,maging asang indibidwal.